NAWAWALA – ALFREDO V. POBLETE (latest updates)

Latest Update: April 4, 2018, 9:55 p.m.

Hello. Salamat sa mga nangungumusta and who have shared my father’s missing poster.

We will attempt to answer the Frequently Asked Questions here:

1. Sino ang nawawala?

Alfredo “Fred” V. Poblete, 76, lolo, tatay, Bicolano, dating empleyado ng gubyerno.

2. Anong itsura niya?

Mahigit-kumulang 5’4, payat, huling nakita na nakasuot ng puting polo shirt, itim na maong, itim na baseball cap.

missing_alfredo_pobleteGuwapito kung nakangiti. “May itsura” lang kung nakasimangot. (Kailangan natin minsan magpatawa. Sensiya.) 

3. Kailan at saan siya huling nakita?

February 15, 11:30 a.m., France St., Better Living Subdivision (BLS), Brgy. Don Bosco, Bicutan, Paranaque City, Metro Manila.

4. May kapansanan ba siya?

May dementia pero mahilig maglakad sa pinakamalapit na carinderia. Mahina na ang memorya, kaya maaaring nakalimutan kung papaano bumalik sa bahay sa BLS.

5. Anong nangyari at nawala si Fred? 

Maaring gusto lang niyang bumili ng pagkain o panigarilyo. Wala siyang dalang pera kundi pambili ng mga yun. Maaring gusto niya lang pumasyal kasi naiinip sa bahay; hindi siya taga-rito kaya hindi pamilyar ang lugar. Maaring gusto niyang lumakad papuntang Bicol.

6. Bakit nandito si Fred, at wala sa Bicol?

Binibisita ni Fred ang kanyang asawa na na-stroke at bedridden at nainirahan sa ngayon sa BLS.

7. Napa-blotter na ba siya?

Sa ngayon, nakipag-ugnayan na kami sa sumusunod:

Presinto/Police desk: 
Don Bosco – Russia
Paranaque PD SID HQ – Sucat
Marcelo Green
BF Homes – Elsie Gaches
Police Community Precinct 4
NCRPO – Pasig City (by phone)
NCRPO – Camp Crame (by phone)
Las Pinas Police Station
Alabang Police Station
Muntinlupa Police Station HQ
Escolta Police Station
Luneta Park Police Outpost
Baywalk Task Force

Barangay Hall:
Don Bosco – Dona Soledad
Moonwalk
San Antonio
Sun Valley
Marcelo Green
BF Homes – Elsie Gaches
San Isidro
San Dionisio
La Huerta
San Joaquin – Pasig
Buting – Pasig
Sumilang – Pasig (met tanod at city hall)
Baclaran
San Martin de Porres
Barangay 638 (Recto)
Barangay 288 (Binondo)
Escolta Barangay CCTV
Barangay Daang Hari

Municipal/City Hall:
Paranaque City Hall
Pasig City Hall (IT Dept)
Quezon City Hall
Mandaluyong City Hall
Las Pinas City Hall
Manila City Hall

DSWD/Bahay Kalinga/Seniors:
Paranaque City Hall – DSWD
Paranaque City Hall – Bahay Kalinga Desk
Paranaque City Hall – Seniors’ Desk
Jose Fabella Center – DSWD
GRACES Home for the Elderly
DSWD Manila
Manila Boystown Complex – Luwalhati ng Maynila (Marikina)

Soup kitchens:
FPJ Statue – Baywalk
Amituofo Shrine/ Metrobank – Binondo
Joyful Search Helping Mission sa Andres Bonifacio Shrine

National Center for Mental Health (Mandaluyong)

Nilibot at nag-iwan na rin po kami ng Missing Poster sa:

Hospital: 
Paranaque Doctors Hospital
Unihealth
South Superhighway Medical Center
Premier Medical Center
Ospital ng Paranaque – La Huerta
Paranaque District Hospital
Las Pinas General Hospital

Simbahan/Religious org:
Mary Help of Christians – Don Bosco
San Antonio Parish in Barangay San Antonio near Pque City Hall
Mary Immaculate Parish (near Levitown)
Missionaries of Charity – Sampaloc, Manila

TODA/Tricycle stop: 

Bicutan (sa likod ng SM) – no longer up; taken down
Malacanang (sa gitna ng France St. at Pque City Hall/Valley 1)

Bulletin boards at guard houses sa BLS, Bicutan: 
Immaculate, Japan, 1618, Annex 34, Annex 37, Annex 38, Annex 35, Scienceville

Gasolinahan/Commercial establishments:
Peralta Veterinary Center
Shell Station – Magallanes
Jollibee Magallanes
LBC – Dona Soledad, BLS

Bus lines:
DLTB Bus Terminal – Pasay
Victory Liner – Pasay
Superlines Bus Terminal – Cubao
Five Star Bus Terminal – Cubao
Baliwag Transit Inc. Bus Terminal – Cubao
Santrans Bus Terminal – Cubao
ES Transport Bus Terminal – Cubao
Genesis Bus Terminal – Cubao
Cubao Bus Terminal (for ordinary buses, including Bicol Isarog)
Cubao Bus Port (behind Ali Mall)
Cagsawa Travel and Tours Office (Ermita)

Philippine Ports Authority Office – Port Area, Manila

Laking pasasalamat sa mga nakausap namin. Laking pasasalamat sa mga nakausap ng mga kaibigan namin at humingi pa ng kopya ng poster para ilagay sa office nila.
Laking pasasalamat din sa mga nag-share ng Missing Poster sa social media network nila, at sa mga Grab at Uber forum nila.
Laking pasasalamat sa mga nag-drive out of their way at naglibot para magtanong-tanong at mag-distribute ng Missing Poster.

8. Natawagan na ang media?

Nakontak na po ang radyo, print, at TV. Salamat po sa mga nagtawag at namahayag ng balita.

9.  Baka dinala siya sa Home for the Aged?

Tinatawagan po namin ang mga malapit na homes. Pakiusap din po kung may alam kayong tanggapan, at baka-sakali matawagan niyo rin at i-alerto sila. Pinaalam na rin po namin sa DSWD-GRACES.

10. Paano kami makakatulong?

Nakikiusap po kami sa mga makakakita kay Fred Poblete na tawagan agad ang numerong 794-3037.

Puwede rin po ipabigay-alam ito sa Paranaque Police Department sa mga numerong 826-2877, 826-8121, o 826-8182; o ang Don Bosco Barangay Hall sa numerong 824-1704.

Pakiusap din po sa mga tumatawag kina Lynne o Mike sa 0917-856-4466 at 0917-893-5801 na ginagamit lang po ang mga numero na iyan para sa paghanap sa tatay namin, at hindi para makipag-phone-pal o kung anuman na ‘di makakatulong sa pag-uwi ni Fred Poblete.

Huling pakiusap: Paki-save po yung photo niya sa phone ninyo. Baka makatulong po ito sa oras na matagpuan niyo siya. Kung makita niyo po siya, kung mapupuwede pong kausapin niyo at sana samahan sa pinakamalapit na presinto, o kunan po ng video o letrato. May mga nagpadala ng mga vid/pic sa amin at nadetermina namin na hindi po siya yung natagpuan. Malaking tulong po.

Sa itaas po makikita kung kailan huling na-update ang entry na ito. Sa ngayon, the search is not over po.

Salamat po.

4 comments

  1. […] for the latest updates, and FAQs, please go to this page. […]

  2. S. Family · · Reply

    Hello, nahanap na po ba ang inyong tatay? Praying for his safety and return home.

  3. Reblogged this on thepaidhack and commented:

    wala na yung dalawang missing posters na nilagay namin sa board ng tricycle stop sa likod ng sm bicutan.

    nakikita mo yung kinitkit na papel, ang natitira na lang ay -I-SIN-.

    baka ayaw lang ng TODA ng unofficial business sa bulletin board nila.
    baka may mahilig mang-warak ng poster.
    baka inakala nilang nahanap na namin si dad.

    hindi pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: