NAWAWALA – ALFREDO V. POBLETE (latest updates)

wala na yung posters na nilagay namin sa board ng tricycle stop sa likod ng sm bicutan.

nakikita mo yung kinitkit na papel, ang natitira na lang ay -I-SIN-.

baka ayaw lang ng TODA ng unofficial business sa bulletin board nila.
baka may mahilig mang-warak ng poster.
baka inakala nilang nahanap na namin si dad.

hindi pa.

thepaidhack

Latest Update: March 11, 2018, 8:39 p.m.

Hello. Salamat sa mga nangungumusta and who have shared my father’s missing poster.

We will attempt to answer the Frequently Asked Questions here:

1. Sino ang nawawala?

Alfredo “Fred” V. Poblete, 76, lolo, tatay, Bicolano, dating empleyado ng gubyerno.

2. Anong itsura niya?

Mahigit-kumulang 5’4, payat, huling nakita na nakasuot ng puting polo shirt, itim na maong, itim na baseball cap.

missing_alfredo_pobleteGuwapito kung nakangiti. “May itsura” lang kung nakasimangot. (Kailangan natin minsan magpatawa. Sensiya.) 

3. Kailan at saan siya huling nakita?

February 15, 11:30 a.m., France St., Better Living Subdivision (BLS), Brgy. Don Bosco, Bicutan, Paranaque City, Metro Manila.

4. May kapansanan ba siya?

May dementia pero mahilig maglakad sa pinakamalapit na carinderia. Mahina na ang memorya, kaya maaaring nakalimutan kung papaano bumalik sa bahay sa BLS.

5. Anong nangyari at nawala si Fred? 

Maaring gusto lang niyang bumili ng pagkain o panigarilyo…

View original post 728 more words

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: